Kakatapos lang ni Enzo Pineda na magcelebrate ng kanyang 21st birthday weeks ago na ang nakakalipas. Nakilala siya bilang finalist ng GMA7’s Starstruck V.
Pagdating naman sa usapin tungkol sa mga kasabayan ay hindi raw insecure si Enzo sa mga projects na dumadating kay Rocco Nacino dahil may kanya-kanya raw silang forte at panahon. Bata pa raw siya at marami pa siyang panahon para paghandaan ang mga mature roles. Okay lang daw sa kanya na gumanap na bading sa movie basta maganda ang script. Gusto raw niya ay drama para maipakita ang acting skills niya.
Sa personal na buhay ay okay raw sila ni Louise delos Reyes, although wala pa silang malalim na relasyon. Ang maganda ay close raw ang family nila sa isa’t isa.
Si Enzo nga pala ay abala sa “Time Of My Life” na danserye na marami talaga ang sumusubaybay ngayon dahil sa magandang istorya nito. Mapapanod ang “Time of My Life” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Munting Heredera”.