Pagkatapos ng telefantasyang Captain Barbell ay ang Daldakina na agad ang susunod na TV project ni Jillian Ward. Title pa lang, alam na kung ano ang role ng bagets na bukod sa hyper, hindi napapagod sa pagkukuwento.
Ang Daldakina raw ang ipapalit sa Futbolilits. Sa August 18 na ang story con. at first week ng September ang taping at for airing sometime in October. Makakasama dito ni Jillian sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen na gaganap na kanyang mga magulang. Join din sa cast sina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose.
Ito ang magiging reunion din nila ito ni direk Don Michael Perez na naging director niya sa Trudis Liit.