Si Mike Tan na nga ang kumpirmadong papalit sa role na dapat na sana’y kay Paulo Avelino na ngayon ay nasa ABS-CBN. “Magkaagaw” ang dapat na title nito pero napalitan na raw ng “Kung Aagawin Mo ang Lahat”.
Sa panahon ngayon, hindi na issue kung replacement lang ang isang artista sa isang role or second choice lang ito. Ang mahalaga ay kung kanino ito huling naibigay ang proyekto at kung natuloy ito.
Matagal-tagal na rin naman na walang serye si Mike Tan sa GMA7 kaya dapat lang na sa kanya ‘yun.