Kinumpirma na ng manager ni Christopher de Leon sa kanyang column ngayon sa Pilipino Star Ngayon na tinanggap na ni Christopher de Leon ang offer ng ABS-CBN. Muli siyang magbabalik sa ABS-CBN sa isang malaking soap. Huli siyang napanood sa telefantasyang Captain Barbell ng GMA7 kung saan siya gumanap na kontrabida at ang pinakahuli ay ang guesting niya sa 100 Days to Heaven.
Pero bago ‘yan, magiging guest pa rin si Christopher sa mini-series ni Nora Aunor sa TV5 kaya hindi naman mabibigo ang mga tagahanga nina Christopher at Nora sa kanilang muling tambalan.