“Of course, I’m sad dahil definitely, it will affect the ratings. Kasi unang-una, sinanay mo na ‘yung mga tao na nanonood ng ganoong oras at ganoong araw na mataas ang rating tapos inilipat mo. Eh, hindi naman lahat makakaalam na inilipat mo, lahat ng nagpa-follow no’n. Mako-confuse ‘yung mga tao.
“Late ko na nalaman na inilipat so, I was sad. Sabi ko, bakit kailangan na ilipat ang isang mataas na rating na show sa ibang time at ibang araw para bumaba lang ang rating?
“I don’t get the logic but it’s your network, you’re the boss there. Kayo ang masusunod. Matatapos na ang season (ng Andres De Saya) and I hope, matuloy pa because I believe in the show. I have a very great respect for the show because it gives good message for the family, kahit comedy ito pero nagbibigay ng magandang mensahe, values formation sa mga kabataan at sa mga parent.”
‘Yan ang mga katagang nasambit ni Cesar Montano sa isang interview sa kanya. Malungkot iya sa naging desisyon ng GMA7 na ilipat sa Sunday ang sitcom nila ni Iza Calzado na Andres de Saya.