Tatapusin na lang daw ni Carmina Villaroel ang bago niyang soap sa GMA7 na “Pahiram ng Isang Ina” (see the link) na magsisimula pa lamang next week (papalit sa Blusang Itim) at lilipat na ito a TV5. ‘Yan ang mga balitang kumakalat ngayon dahil nga nabalitang may offer sa kanya ang TV5.
Tatlong buwan pa naman ang itatagal ng “Pahiram ng Isang Ina” sa ere na kung totoo ngang lilipat siya sa Kapatid Network, ay makakapag-isip-isip pa siya. Matagal pa ang tatlong buwan at marami pang pwedeng mangyari.