Ang dalawa sa kinagigiliwang panoorin ng mga Pilipino tuwing Sunday afternoon na ASAP Rocks at Party Pilipinas ay nagpatalbugan ngkanilang opening prods
Ibinida ng ASAP Rocks sa kanilang “Shining, Shimmering, Splendid” episode ang kanilang mga naglalakihang stars na pinangungunahan nina Martin Nievera, Piolo Pascual, Angeline Quinto, Zsa zsa Padilla at Gary Valencciano. Humataw naman sa sayawan sa opening sina John Pratts, KC Concepcion, Enrique Gil, Gab Valenciano at Rafel Rosell. Hindi naman nagpatalo sa rampahan sina Empress Schuck, Jessy Mendiola,Venus Raj, Iya Villania, Nikki Gil at Karylle. Pinakilig naman ang mga fans sa paglabas sa stage nina Enchong Dee at Gerald Anderson na humataw rin sa dance floor.
Ang ibinida naman ng Party Pilipinas na may theme title na “Tatak” sa kanilang opening ay ang kakaibang light-show sa kanilang hi-tech at state-of-the-art studio 7. Sinundan pa ito ng pagbaba mula sa itaas ng nakaharness na si Glaiza de Castro. Pinangunahan ni Aljur Abrenica ang hatawan sa sayawan kasama pa sina Mark Herras, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Sef Cadayona, Jopay Paguia, Rocco Nacino, Steven Silva, Aira Bermudez at Enzo Pineda. Kakaibang kantahan naman dala ng La Diva (Jonalyn Viray, Maricris Garcia, Aicelle Santos), Solenn Heaussaff, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Gian Magdangal, JayR, Kris Lawrence, XLR8, Down to Mars, Kyla, Rachelle Ann Go, Jolina Magdangal, Frencheska Farr, Jaya Ramsey, Glaiza de Castro, Kristoffer Martin, Jay Perillo at Mark Abaya.
Kaninong opening prod ang mas nagustuhan ninyo? Kanino ang swak na swak sa inyong panlasa?
1 Comment
well actually kitang-kita nmn n gnaya n ng asap rocks ang party pilipinas,,,,kya wag nlng savhin n pp ang nangga2ya,,,go party pipz,,c