Magkakaroon ng symposium ang Amaya ngayong August 25, sa History Week ng UP Diliman. Ilan sa resource persons ay ang headwriter na si Suzette Doctolero, Direk Mac at ilang mga taong involved sa epicserye.
Lalo pa raw mas-iigting ang istorya ng kauna-unahang epikseryeng ito sa pagtakbo pa ng mga araw at sa pagkikita-kita ng mga pangunahing tauhan nito.
Simula ng magsimula sa GMA Telebabad ang epikseryeng Amaya, hindi na ito natinag sa timeslot nito (see the link). Dahil sa tagumpay nito nang nagsimula pa lamang, nabigyan agad ito ng memo para maextend agad (see the link). Ngayong katapusan daw ng October magtatapos ang epikseryeng ito sabi ni Direk Mac Alejandre.
Samantala, nadagdagan ang budget ng GMA-7 sa Amaya dahil ‘pag tag-ulan, nagpapa-deliver ng trak-trak na buhangin para ilagay sa maputik na daan. Sobrang putik ang location sa Pagsanjan, Laguna at naka-bota ang cast, staff, at crew.