Muling magbabalik ang karakter ni Vice Ganda bilang isang parlorista sa teleseryeng 100 Days to Heaven. Kinumpirma na ‘yan ni Vhong Navarro noong isang araw sa show nilang Showtime.
Kapapasok lang ni Vhong sa 100 Days to Heaven last week (see the link) at nakatakdang matapos ang kanyang role this week bilang payaso.
Ano na naman kayang misyon ang gagawin ni Vice sa buhay ni Madam Anna Manalastas? Ano-ano na naman kayang pangyayari ang dapat nating kapulutan ng aral dito?
Abangan ang muling pagbabalik ni Vice sa 100 Days to Heaven; mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN’s Primetime Bida, pagkatapos ng TV Patrol.