Dapat ay noong June 20 pa nagsimula ang “Ang Utol Kong Hoodlum” ng TV5 (see the link) pero dahil sa kanilang respeto kay Robin Padilla na gumaganap ngayon sa teleseryeng “Guns and Roses” ng ABS-CBN na siya namang gumanap sa original character ng movie version nito, namove sa September ang pagsisimula nito (see the link).
Marami nang nakareserbang episodes ang seryeng ito nina JC De Vera at Jasmine Curtis at nakarating pa sila ng Sydney and Melbourne, Australia para magtaping. Siguradong pinagkagastusan ang seryeng ito at malaki ang tiwala nila sa lead cast nito na talagang kakagatin ito ng mga viewers.
“Malaking karangalan na namin na pumayag si Robin na i-remake sa tele-bisyon ang Utol Kong Hoodloom. Alam naming bagay na bagay ang role na ito kay JC. Naniniwala kaming magki-click muli ang Utol Kong Hoodloom, tulad ng naging pagtanggap noon kay Robin,” paliwanag ni Sir Percy.