Matagal nang offer ng TV5 kay Sarah Geronimo ang “Born to be a Star” at ilang beses na rin itong nabanggit ni Willie Revillame (Willing Willie pa noon) sa kanyangprograma sa TV5 (see the link).
Ngayon naman, since ayaw talaga ni Sarah Geronimo na lumipat sa Kapatid Network, ang show na ito raw ay inooffer na kay Nina at para kagatin ng singer, sariling show niya ito na ibibigay na kanya na siguradong hindi maibibigay ng ABS-CBN.
Inireveal kahapon ni Willie Revillame ang tungkol sa balitang ito sa kanyang programang WilTime Bigtime sa TV5. Ito nga raw ang dahilan kung bakit ilang Linggo nang hindi nakikita si Nina sa ASAP kung saan siya mainstay.
Ito na ba talaga ang kumpirmasyon na tinanggap na rin ni Nina ang project na ito? Tuluyan na nga kaya siyang magiging Kapatid?