Halatang excited si Sarah Lahbati na ibinalita sa kanyang twitter account na magkakaroon siya ng guest appearance sa epikseryeng Amaya ng GMA7. Halos isang taon na rin naman kasi na wala siyang serye na ganun. Last year pa nang huli siyang gumanap sa Little Star na panghapong serye ng GMA7.
Gagampanan niya sa Amaya ang role ni Libuan na ayon sa aming source ay malaking papel sa buhay ni Lumad na ginagampanan naman ni Mikael Daez.
Nagwish pa si Sarah na makabalik pa ang character niya sa Amaya. Mukhang nagustuhan niya ang role niya sa seryeng ito kaya nagwish pa siya. Malamang daw ay pumasok na ang character niya sa susunod na Linggo kaya dapat nating abangan iyan.
1 Comment
“Libulan” 🙂
Sarah Lahbati! ganda mo! Sana ay tumagal pa ang role mo bilang Diwata ng Buwan at Asawa ni Lumad!
Time of her life! 🙂 Thanks!