Matapos ang 17 days na botohan ay tinanghal na nga si Sarah Geronimo bilang Philippines’ Ultimate Young Diva!
Una siyang nakilala bilang isang child star at lumabas sa iba’t ibang show stulad ng Pen-Pen de Sarapen, Ang TV at ang Next. Pero mas lalong gumanda ang career niya nung nanalo siya sa Star for A Night kung saan host ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Pagkatapos noon ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagsikat.
Sa ngayon ay nakapaglabas na siya ng mga solo albums – Popstar: A Dream Come True (2003), Sweet Sixteen (2004), Becoming (2006), Taking Flight (2007), Just Me (2008), Music and Me, and Christmas Girl (2009), at One Heart (2011) at lahat ng ‘yan ay pumatok at nakarecieve ng platinum awards at naging bestselling awards pa ‘yan ng taon; at hindi lang ‘yan
Sa ngayon ay mapapanood pa rin siya sa ASAP Rocks ng ABS-CBN at malapit na rin ang balik-tambalan nilang movie ni John Lloyd Cruz na “When a Man Loves a Woman” na co-produce ng Star Cinema at Viva Films bilang installations sa mga nauna nang “A Very Special Love” (2008) at “You Changed My Life” (2009) kung saan tinanghal din siyang Box Office Queen (GMMSFI) sa magkasunod na taon.
Ngayon ang 23rd Birthday ng ating Philippines’ Ultimate Young Diva na ipinanganak noong July 25, 1988! Congratulations na rin for winning the poll!