Marami ang pumuri sa husay ng aktor na si Rocco Nacino sa pagganap niya sa Cinemalaya entry na “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”. Mahusay ang akting niya rito at makikita ‘yan sa mga movie reviews ng iba’t ibang sites tungkol sa movie niyang “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” kung saan kasama niya sina Jean Garcia at Paolo Avelino.
Mabuti na lamang at tinanggap niya ang movie na ito dahil noong una raw ay hesitant ito dahil sa may touch ng “gay” ang theme nito.
Marami tuloy ang nagkukumpara sa kanila ni Aljur Abrenica na galing rin ng Starstruck. Malayo na kasi ang narating ng pag-arte ni Rocco kumpara sa kay Aljur.