Wala nang dapat ikatampo si Rico J. Puno sa pagkakasibak ng show nilang Pilipinas, Win na Win kung saan naging host siya kasama ng iba pang hitmakers.
Ngayon kasi ay papasok na rin siya bilang bagong host ng pumalit sa Pilipinas, Win na Win na Happy! Yippie! Yehey! Makakasama na ulit niya si Pokwang na nakasama rin niya sa nawalang noontime show.