Mamayang alas-nueve ng gabi ay may inaasahang patikim si Rachelle Ann Go para sa mga fans niya. Maglalabas siya ng kantang may title na “Whoaman” na sinulat nina Artstrong at Joe Abuda (mga kasamahan niya sa Party Pilipinas).
Ang “Whoaman” daw ay isang dance track na siguradong mapapaindak tayong lahat! Kasama rin sa kanta niyang ito si Artstrong.
Inaasahang masasama ang track na ito sa nalalapit niyang album sa Viva Records. Matagal-tagal na rin nang huling maglabas si Rachelle ng album niya (last year) at napapanahon na para sa bago niyang album! Goodluck Rachelle!