Ngayong July 9, 2011 na magsisimula na ang Season 3 ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN at ang Manny Many Prizes ng GMA7.
Isa sa pinakamatagumpay na franchise ng ABS-CBN at talagang pinakaabangan ng buong Pilipinas mula sa Season 1 at 2 at ngayonnama’y meron nang Season 3. Ang hosts ng programang ito ay ang makulit na tandem nina Luis Manzano at Billy Crawford. Sina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino at Freddie Garcia naman ang mga hurado.
Ang Manny Many Prizes naman ang kauna-unahang game show ng Pambansang Kamao na si Cong. Manny Pacquiao sa GMA7. Kasama ni Pacquiao sa pamimigay ng premyo sina Gladys Guevarra, Onyok Velasco, Paolo Contis, Isabelle Daza at Rhian Ramos.
Sa dalawang shows na magpepremiere ngayong July 9, ano ang siguradong papakatutukan mo?