Hindi lang pala sina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Luis Alandy, at Jolina Magdangal ang mga ex-Kapamilyas namagsasama-sama sa seryeng Iglot ng GMA7 dahil ka-join na rin sa seryeng ito sina Patrick Garcia at Pauleen Luna.
Silang lahat na nabanggit ay pawang nagsimula lahat bilang mga contract stars ng ABS-CBN at nang kinalaunan ay lumipat sa Kapuso Network. Ito na bale ang kanilang reunion TV series bilang isang Kapuso naman.
Natuloy na nga ang story conference ng Iglot last week at inaasang magsisimula na itong magtaping pagkatapos ng dalawang Linggo.
1 Comment
what do you want me to say?! eh lahat naman ng artista ngayon na may talent at nahubog talaga sa acting eh galing sa Kapamilya Network…magaling ata sila sa acting workshop…kahit na lumipat na sila sa Kapuso, sa Kapamilya pa rin sila sumikat at nahubog bilang mga de kalibreng artista natin ngayon…nang lumipat sila sa Kapuso eh “made” na sila…good to hear magsasama-sama ulit sila sa iisang serye…sana mapanood ko.