Angtambalang Jake Vargas at Bea Binene ay magkakaroon na ng sariling soap kung saan sila ang nasa lead roles (see the link).
Kumpirmado na ngang sa Dramarama sa hapon ito ilalagay at makakasama pa ng dalawa sina Maxene Magalona at Luis Alandy na minsan na ring nagsama sa afternoon drama series na My Lover, My Wife. Ito ang sinasabing papalit sa timeslot na iiwan ng Blusang Itim na pinagbibidahan naman ni Kylie Padilla.
Magpapilot ang soap na ito ngayong August 15, 2011 pagkatapos ng Eat Bulaga.