Last July 7 lang nang una naming ibalita rito sa LionhearTV na magkakaroon ng soap sina Bea Binene at Jake Vargas (see the link) na unang napansin ang tambalan sa TweenHearts at nabigyan pa na makasama sa Captain Barbell.
Sigurado namang panahon na para sa tambalang ito para magdala sila ng sarili nilang show. Sigurado na namang kakayanin ng dalawang ito na magdala ng sariling show dahil may mga followers na sila.
Ang title ng GMA-7 afternoon series na pagbibidahan ng tween stars na sina Bea Binene at Jake Vargas ay ang Pahiram ng Isang Ina. Si Carmina Villarroel daw ang gaganap ditong nanay na siguradong magpapaantig sa ating mga puso. Ididirek ito ni Joel Lamangan.