Marami ang naglabasang espekulasyon tungkol sa kauna-unahang pagbibidahang serye ni Melissa Ricks na “Nasaan ka Elisa” dahil dapat ito ay isa sa mga nakaline-up nang ipapalabas ng ABS-CBN sa kanilang Kapamilya Gold timeslot. Marami ang naniwala na shelved na ang show na ito dahil nga nawala na ang mga teasers at pluggings nito sa mga shows ng ABS-CBN.
Ang naturang teleserye ay Pinoy adaptation ng Chilean soap opera na Donde Esta Elisa? Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kailan talaga ito ipalalabas sa telebisyon pero tuloy pa rin daw ang seryeng ito at hindi totoong shelved na.