Hindi pa mawawala ang Munting Heredera ngayong July 18 (see the link) dahil extended pa ito for 5 weeks!
Tuwang-tuwa ang lahat lalo na ang cast at crew ng nasabing programa dahil pumayag ang GMA Management na iextend ang Munting Heredera na isang family drama. Hindi lang kasi maganda ang feedback nito sa mga manonood, talaga namang panalo ito sa timeslot nito at ilang beses pang nag-number 1 sa primetime slot.
Siguradong marami pang paiiyakin ang tatlong bata na sina Mona Louise Rey (Jennifer), Kyle Ocampo (Michelle), at Barbara Miguel (Calilla) at pati na rin sina Manny (Roderick Paulate), Sandra (Camille Prats), at Jacob (Mark Anthony Fernandez).
Mapapanood pa rin ang Munting Heredera sa GMA Telebabad pagkatapos ng epikseryeng Amaya!