Asahan ang pagpasok ng mga bagong characters sa fantaseryeng Captain Barbell ng GMA7. Book 2 na kasi nito papasok sina Akihiro Sato bilang Black Barbell at si Daiana Meneses sa role ni Chloe Morales.
Naibalita namin kamakailan na magtatapos na ito ngayong buwan (see the link) at hindi raw kami nagkakamali sa information na natanggap namin dahil maigsi lang ang Book 2 nito.
Mapapanood pa rin ang Captain Barbell sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.