Dapat sana ay isasalang na noong nakaraang buwan sa Kapamilya Gold ang teleserye ng tambalan nina Enchong Dee at Erich Gonzales na Maria La Del Barrio.
Nagkaroon raw ng ilang revisions sa story at script at finally ay um-okey na sa management ang naging utcome ng mga revisions. At dahil daw sa tuwa ng management sa kabuuan ng istorya at sa ganda ng mga shots nito, from Kapamilya Gold ay naakyat ito sa Primetime Bida!
Lalong natuwa ang cast ang crew ng programa sa balitang ito na mapapanood na raw ang mga teasers sa mga susunod na araw ng July at malamang ay ipasok na ngayong August sa ABS-CBN Primetime Bida.