Sa Cuneta Astrodome na mapapanood ng live bukas ang second episode ng Manny Many Prizes ng Kapuso Network kung saan main host si Congressman Manny Pacquiao.
Kumpara sa nauna nitong venue na AFP Theater, mas malaking ‘di hamak ang Cuneta Astrodome, meaning mas maraming tao ang maaaccomodate at mabibigyan ng chance mapanood ang show na ito ng ating pambansang kamao.
Inaassure naman ni Manny na this time ay medyo magiging okey na ang pagiging host niya na talagang kinakarir niya. Nagpapasalamat naman si Manny dahil maayos ang support sa kanya ng mga co-host nito na sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Isabelle Daza at Gladys Guevarra.