Marami ang humanga sa napakamagandang performance na ipinakita ni Lovi Poe sa bago nilang pelikulang Temptation Island ng Regal Films at GMA Films. Maganda ang mga feedbacks mula sa twitter at mga blogs tungkol sa ipinakitang pag-arte na ito ni Lovi.
Kasama ni Lovi sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Ruffa Mae Quinto at Solenn Heussaff sa pelikulang ito. Kakaibang character ni Lovi ang pinakita rito na talagang nangibabaw siya sa mga kasama niyang mga babae dahil nagmistulang siya lang ang bida sa movie na ito dahil sa kanyang outstanding performance.
Showing na po ang Temptation Island sa mahigit 100 theaters sa buong Pilipinas! Sa ganda ng mga feedback, lalo pang dumarami ang mga nacucurious na panoorin ang movie na ito!