Masayang-masaya si kuya Germs sa naging episode ng Party Pilipinas na may title na “That’s” (see the link).
Naririto ang pahayag ni Kuya Germs sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon:
Salamat sa GMA, sa Party Pilipinas mismo dahil muli nilang binuhay ang That’s Entertainment. Sa kanilang palabas nung Linggo, hinati nila ang mga performers sa limang grupo at pinaglaban-laban sila. Bawat grupo was represented by a member of the original That’s member. Like si Chuckie Dreyfus, sali sa Tuesday, si Sheryl Cruz sa Wednesday, si Cris Villanueva sa Thursday, si Isabel Granada sa Friday, etc.
Ang saya-saya ko kahit na-miss ko ’yung mga ibang miyembro ng That’s na marami ay nasa kabilang istasyon na. Wish ko na sana bumalik na ng tuluyan ang That’s.