Ang isa sa mga kinikilalang batang aktor ngayon na si JM de Guzman ay nakatakda nang maglabas ng sarili niyang album!
Hindi matatawaran ang pag-arte niya nang ipinakilala siya sa teleseryeng Kristine ng ABS-CBN at lalong dumami ang tagahanga niya nang lumabas na siya bilang Gabriel sa teleserye-remake ng Dos na Mula sa Puso kung saan si Lauren Young ang kanyang kapareha.
Sa preview ng kanyang album ay rinig na rinig talagang may boses si JM at may potensyal talagang tumabo ang kanyang album. Hindi lang siya sikat, talaga namang may ibubuga talaga siya dahil napakatalented.
“Carried Away” ang title ng carrier single ng self titled album ni JM na siya rin daw ang nagcompose! Ngayong July 2011 raw marerelease ang album niya kaya abangan ninyo ‘yan!