Tapos na nga ang paghahanap ng GMA7 sa child star na may malaking papel na gagampanan sa fantaseryeng Iglot na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin at Claudine Barreto.
Milkach Wynne Nacion ang pangalan ng batang ito na nakitaan ng malaking potensyal ng mga executives ng siyete. 6 years old pa lang daw ito pero kakaiba raw ang atake ng batang ito.
Sa kasalukuyan ay nawoworkshop ang batang ito kasama ang iba pang lead stars ng nasabing serye.
1 Comment
CBF = Claudine Barretto Forever 🙂