Hindi talaga nagpapatalo ang tatlong TV Networks sa ating bansa – ABS-CBN, TV5 at GMA7, sa kanilang pagkuha ng mahahalagang impormasyon lalo na sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Hindi sila pahuhuli sa mga kaganapan at mga exclusive scoops tungkol sa SONA.
Pinakatutukan ang lahat ng mga TV stations at tumutok ang mga tao sa mas pinagkakatiwalaan nila. Dahil dito, waging-wagi sa ratings ang nakaraang coverage ng GMA News and Public Affairs sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino.
Malayo ang naging agwat na nakuhang ratings ng SONA coverage ng GMA7 kumpara sa nakuha ng ABS-CBN at TV5 ayon sa AGB Nielsen ratings, household man o people ratings. Nasa ibaba ang ratings na nakuha ng 3 TV networks sa kabuuan ng kanila coverage ng SONA.
AGB Nielsen
July 25, 2011
People Ratings:
SONA 2011 State of the Nation Address: The GMA News Coverage (GMA-7) 7.5%
Ulat Sa Bayan Ika-2 State of the Nation Address (ABS-CBN) 4.6%
Pagbabago SONA 2011 (TV5) 1.2%
Household Ratings:
SONA 2011 State of the Nation Address: The GMA News Coverage (GMA-7) 17.8%
Ulat Sa Bayan: The State of the Nation Address (ABS-CBN) 11.1%
Pagbabago SONA 2011 (TV5) 3.0%
1 Comment
ipakita nyo din kya ang ratings na galing kantar para fair…