Feeling blessed si Gloria Romero sa GMA7 sa pagkakaroon agad niya ng dalawang TV shows at ang isa pa’y lumalaban sa numero una sa primetime.
Si Gloria kasi ang center character sa Munting Heredera bilang si Doña Ana, ang lolang may isang apo na tagapagmana (Mark Anthony Fernandez ) at may tatlong kinikilalang granddaughters.
Ang tatlong granddaughters ay sina Jennifer, Camilla at Michelle, ang child stars na napili thru audition.
Isa si Direk Maryo J. delos Reyes sa pummili sa tatlong bata.
Kuwento ni Ms. Gloria, awang-awa daw siya sa bidang si Jennifer (ginagampanan ni Mona Louise Rey) dahil talagang natakot daw ang bata nu’ng ihulog sa balon na may kasama pang daga sa loob ng balon.
Kaya naman totoo ang emosyon na ipinakita ng bata habang nasa loob ng balon na takot na takot.
Pero later on, natutuhan ni Mona Louise na ang lahat ng ginagawa niya, acting lang at hindi totoo.
“Natuwa ako kay Jennifer dahil sa murang edad, napi-feel na niya nang husto ang emosyon na dapat ipa-labas sa soap,” puri ni Ms. Gloria.