Dinagsa ng mga tao ang World Trade Center para sa FHM’s 100 Sexiest Women Victory Party noong nakaraang huwebes ng gabi (July 14, 2011). Halos pasado alas nueve na nagsimula ang nasabing victory party na may theme na “Burlesque”.
Pinakakaabangan sa mga event na ganito ay ang pagrampa talaga ng Top 10. Si Sam Pinto ang FHM’s sexiest ngayong taong ito (see the link for the top 10 list) at pumangalawa lang dito si Marian Rivera at sinundan pa ni Angel Locsin.
Marami ang nadismaya hindi lang sa mga naganap na production numbers, kundi pati na rin sa pagrampa ng mga artists na pumunta sa event. Mas daring kasi last year at maraming mga big stars ang umattend kaya mas maraming palakpakan at hiyawan ang nakuha ng mga rumarampa.
Sa kabuuan ng Top 10 (see the link for the top 10 list), apat lang ang pumunta sa event at rumampa. Sila ay sina Ellen Adarna (#10), Iwa Moto (#8), Katrina Halili (#6) at Sam Pinto na ngayo’y number 1 bilang FHM’s sexiest! Hindi naman dumalo ang last year’s sexiest na si Angel Locsin (#3), Marian Rivera (#2), Cristine Reyes (#4), Solenn Heussaff (#5), Jennylyn Mercado (#7), at Jackie Rice (#9).
Unlike last year na talagang ang daming naghihiyawang mga lalaki sa pagrampa ng mga sexy ladies, ngayon nama’y hindi gaano karaming ingay. Until finale na sa Sam Pinto saka pa nagtayuan at lumakas ang ingay ng sigaw ng mga tao.
Suportado naman si Sam Pinto ng ilan niyang mga kasabayan sa Pinoy Big Brother tulad nina Rica Paras, Tibo at si Paul Jake Castillo kasama pa ang manager ni Sam na si Claire dela Fuente.
Maliban kay Sam, ilan sa mga pinuri at malakas ang hiyawan ng mga tao ay sina Janna Dominguez, Iwa Moto at Bianca Manalo.