Si Dingdong Dantes ang magiging gala host ng pinakabagong reality-talent search ng GMA7, ang The Protégé na malamang ay magsimula na raw ngayong September. Makakasama ni Dingdong dito sina Ogie Alcasid (Journey host) at Jennylyn Mercado (Strands host).
Isa sa mga magiging celebrity mentors sa show na ito ay si Claire dela Fuente na manager ngayon nina Bela Padilla at Sam Pinto. Isa si Bela sa mga hindi naging okey ang samahan with Marian Rivera (na girlfriend ngayon ni Dingdong) at si Sam na napag-usapan dahil sa FHM. Nirequest man ng mga fans nina Dingdong at Marian sa management na ‘wag makasama ni Dingdong si Claire, tuloy pa rin sila sa show na The Protég.
Mukhang hindi naman problema kay Dingdong ang makasama si Claire dahil knowing Dingdong, magaling naman siyang makisama at very professional siya sa mga nagiging katrabaho niya!