Marami ang nalungkot nang malaman nila ang balita na hindi na sisipot pa si Charice bilang si Sunshine Corazon sa seryeng Glee sa US. Ayon sa creator ng Glee na si Ryan Murphy, hindi na daw bubuhayin sa Season 3 ang karakter ni Sunshine Corazon, ang Filipino exchange student na ginagampanan ni Charice.
Sabi pa ni Murphy, hindi na siya kukuha ng celebrity guests para sa Glee at babawasan na rin umano ang pagkanta ng cast.
Magfofocus na lang daw ang Glee sa dramatic sides ng istorya nito.
Pero kahit ganun, tuloy na tuloy pa rin ang pag-invade ni Charice sa Hollywood dahil kasama pa rin siya sa movie ni Salma Hayek na Here Comes The Boom.
1 Comment
Bakit Naman ?