Noong isang Linggo lang ay naibalit naming hindi na masaya sa nagiging takbo ng career niya si Cesar Montano (see the link) dahil pawang ang mga shows na napupunta sa kanya ay hindi nagfifit sa kung ano ang gusto niya.
Totoo ngang may offer ang TV5 kay Cesar Montano at isa nga rito ay ang sitcom kasama ang mga kaibigan niyang sina Bayani Agbayani at Aga Muhlach (see the link). Pero mukhang hindi pa rin niya sinasarhan ang pinto niya sa GMA7.
Nakikipagnegotiate pa rin daw ang kampo ni Cesar sa Kapuso Network at malamang i-renew. So malamang na hindi matuloy ang unang plano ng TV5 na buuin ang sitcom na ABC dahil wala na si Cesar dun.