Unang nakilala si Bryan Termulo bilang isa sa mga contestant ng Pinoy Pop Superstar kung saan host si Regine Velasquez. Hindi man siya pinalad na manalo pero napasama naman siya sa You’ve Got Male ng SOP.
Nawala na ang SOP at hindi naman siya napasama sa mga artists na naretain sa bagong Party Pilipinas. Pero nagpatuloy pa rin ang singing career niya kahit nag-aaral siya dahil meron pa rin siyang album at may mga mini-concerts sa mga bar.
Kung lilipat nga ito sa ABS-CBN, lalo pa niyang maeexplore ang talent niya dahil for sure ay bibigyan din siya ng mga serye kung saan ay aarte siya dahil naipakita naman niya noong nasa GMA7 siya na may kapasidad siya sa pag-arte sa serye nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na All My Life.
Hinihintay na lang daw ng kampo ni Bryan ang pirmahan at makikita na sa ito sa ASAP Rocks ng ABS-CBN.