14 years old na si Barbie Forteza ngayong July 31 at siguradong magiging malaki ang kanyang celebration ngayong taon. Sa success ng una nilang pagsasama ni Joshua Dionisio sa First Time, Stairway to Heaven at ang ngayon nama’y TweenHearts na talagang nagtuloy na sa movie.
Isa si Barbie Forteza sa mga inaalagaang aktres ngayon ng GMA7.
At bilang panimulang pagdiriwang ay magguguest siya sa Saturday show na Comedy Bar kasama ang loveteam niyang si Joshua Dionisio. Siguradong kakaibang laugh trip ang gagawin ng tropa ng Comedy Bar ngayong Sabado. Si John Lapus ang pansamantalang kasama ni Eugene Domingo sa show dahil nasa Italy raw si Allan K. dahil may tour ito. Mapapanood ang Comedy Bar tuwing Sabado, 10:45pm sa GMA7.
1 Comment
excuse me po pakibago po ung endless love kasi hindi nmn sya nging part nun. Sa stairway po sya. Si kathryn bernardo po ang sa Endless love yun lang po..