Pagkatapos ng promo para sa movie na Tween Academy Class of 2012, magiging lalong abala sina Jake Vargas at Bea Binene para sa seryeng pagbibidahan nila. Ang title raw nito ay “Pahiram ng Isang Ina” na isang family drama.
Malapit nang matapos ang Captain Barbell kung saan kasama sila bilang mga superheroes (this is the link). Ngayong buwan daw ito magtatapos ang fantaseryeng Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez (this is the link).
Drama ang susunod na project ng loveteam nina Jake at Bea (Jha-Bea) na tungkol sa isang ina na gagampanan naman ni Carmina Villaroel. Ang isang Ina ay iginagalang at minamahal. Pero pwede rin kaya itong ipahiram? Maaari nga bang ipahiram ang isang Ina? Abangan ‘yan ngayong Agosto sa GMA7.