Ang tatlo sa mga knikilalang Young Divas ngayon ay magsasama-sama sa isang malaking concert!
Confirmed na nga na sina Frencheska Farr, Jonalyn Viray at Julie Anne San Jose ang tatlong magsasama-sama sa isang malaking concerts ngayong September. Marami pa ang nag-aakala nung lumabas ang teaser noong June na ito na ang pinakaaasam-asam na concert ng La Diva pero nagkamali ang lahat ng humulang iyon.
Kamakailan lamang ay nagkaroon na sila ng photoshoot para sa magiging promo at para sa poster ng nasabing concert. To be announced pa raw ang venue at saka kung kelan ang date ngayong September ng concert na ito.
Ang tatlo ay mapapanood pa rin sa musical-variety show ng Kapuso Network na Party Pilipinas. Si Jonalyn Viray ang kauna-unahang grand winner ng Pinoy Pop Superstar, si Frencheska Farr naman ang grand winner ng Are You the Next Big Star at si Julie Anne San Jose naman ay galing sa Pop Star Kids ng GMA7 na hindi man naging grand champion ay umaani pa rin ng papuri at paghanga mula sa kanyang mga fans. Silang tatlo ay ilan lang sa mga produkto ng GMA7 talent searches.