Sa pagtatapos ng Captain Barbell ay muling magbabago ang schedule ng GMA Telebabad. Nagtapos ang Captain Barbell noong Biyernes at papasok na ang pinakabagong show ng GMA7 – ang kauna-unahang danserye sa primetime, ang “Time of My Life” na pinangungunahan nina Rocco Nacino, Mark Herras at Kris Bernal (see the link).
Simula Lunes (August 1, 2011), ay mapapanood na ang “Amaya” pagkatapos ng “24 Oras.” Ang magiging katapat na ng “Amaya” ay ang “100 Days To Heaven” ng ABS-CBN. After “Amaya” ay susundan ito ng “Munting Heredera” at ang pilot episode ng danserye na “Time of My Life.”
At sa pagtatapos ng Secret Garden ay papalit sa slot nito ay ang pinakabagong Koreanobela sa Telebabad na “Big Thing” na magpepremiere ngayong August 8.