Siguradong marami ang malulungkot kung totoong nag-last taping na ang sitcom na pinangungunahan nina Cesar Montano at Iza Calzado na dating umeere ng Sabado at ngayo’y inilipat sa Linggo.
Napabalita na itong magtatapos noong June (see the link) ngunit pinabulaanan nila ito (see the link). Pero ngayon daw ay tuloy na tuloy na ang balita dahil wala nang susunod na schedule ang mga cast nito para sa taping ng Andres de Saya.
May kinalaman kaya rito ang napapabalitang paglipat ni Cesar Montano sa TV5 (see the link)? Tingnan na lang natin kung anong susunod na balita sa seryeng ito.