Matagal ang naging interview ng host na si Pia Guanio sa alleged rape victim na si Amanda Coling sa showbiz Central kahapon (see the link) pero wala man lang siyang napigang kahit na ano mula kay Amanda.
Hindi man lang nagawa ni Amanda na sabihin at linawin kung ano ba talaga ang tunay niyang inirereklamo, kung ‘yung pagrerape ba or ‘yung pagkakatanggal niya sa FHM event. Kasi lumalabas na ang naging problema niya base na nga sa naging interview ay ang pagkakatanggal niya sa FHM event na ginanap noong isang Linggo.
Lalong gumulo ang sitwasyon ngayon ni Amanda na sa halip ay maniwala ang mga tao sa kanyang mga sinasabi ay lalo pang nagkaroon ng duda sa kanyang pakay sa kanyang mga interviews. Sana lamang ay naging malinaw ang kanyang mga pahayag at hindi na paliguy-ligoy pa. Natuwa na lang kami sa pang-unawang ibinigay sa kanya ng host na si Pia at sa pasensya sa hindi nito pagsagot ng deretso sa mga tanong.