Ipapalabas muli ang Koreanovelang Temptation of Wife sa Lunes, pagkatapos ng Secret Garden sa GMA Telebabad.
Nang magtapos ang programa noong Mayo 31, na-miss ng mga manonood ang nakakaantig na kwento ni Angeline Goo (Jang Seo Hee) at ng kanyang mapusok na alter ego, si Chantal Min.
Kinasasabikan din nilang makita at kamuhian muli ang babae sa likod ng paghihirap at dahilan ng pagbabago ni Angeline, ang kanyang matalik na kaibigang si Heidi Shin (Kim Seo Hyung).
Ang Temptation of Wife: By Popular Demand ay mapapanood Lunes hanggang Huwebes simula Hunyo 6.