Nagbabalik-telebisyon pala ang magandang misis ni Mark Lapid na si Tanya Garcia. Pinayagan pala ito ng kanyang mister tutal medyo malalaki na ang mga anak nila.
Hindi naman mahihirapan si Tanya na mag-comeback dahil bukod sa napakaganda pa rin ay hindi naman namimili ng role. Puwede siyang kontrabida, mother role, at kahit anong role, basta, gusto lang niyang umarteng muli.