Senior citizen na si Susan Roces pero aniya, wala pa siyang ipinaretoke sa kanyang katawan. She has nothing against sa mga celebrity na nagpaparetoke dahil karapatan nila ‘yon, ani Ms. Susan. “Sa itsura kong ito ako binabayaran.
Sa ibang project na ginawa ko, pinapatanda pa nila ako and I don’t mind,” words to that effect na sabi ng Movie Queen forever nang nakausap namin sa set ng “Babaeng Hampaslupa” sa Wha Chong Temple, University Hills, Potrero, Malabon.
Fourth teleserye na ito ni Ms. Susan. Ang tatlong naunang ginawa niya’y ” Iisa Pa Lamang,” “Patayin sa Sindak” na parehas sa ABS-CBN at “Sana Ngayong Pasko” sa GMA-7. Nasa TV5 naman siya ngayon.
“‘Yan ang benefit ng senior citizen na artistang kagaya ko. Nakakaikot sa iba’t ibang TV stations dahil walang network contract,” she said. Wish niyang magkasama sila ng archrival niya noon na si Amalia Fuentes sa isang show ng TV5.
Ilan sa mga pelikulang ginawa nila together noon sa Sampaguita Pictures ay “Tulisan,” “Amy, Susie & Tessie,” “Amaliang Mali-Mali vs. Susanang Daldal,” “The Big Broadcast.”
Asked kung totoo bang magkaaway sila noon ni Amalia, “Naku hindi totoo. Magkaibigan kami sa tunay na buhay. Ang fans lang namin ang nag-aaway noon (laughs),” ani Ms. Susan.