Kahapon sa programang Party Pilipinas ay tinuldukan na ni Regine Velasquez-Alcasid ang issue nalilipat siya ng network. Sa panayam kahapon sa kanya nina Jaya, Janno at asawa niyang si Ogie, nangako itong babalik sa Party Pilipinas pagkatapos niyang manganak at pumayat.
Kumalat ang issue na magiging Kapamilya na siya nang tanggapin niyang kumanta ng theme song ng bagong teleserye ni Kim Chui sa ABS-CBN na Binondo Girl.