Tuloy na tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher na si Janine Gutierrez. Nakipag-meeting na kahapon sa GMA-7 executives sina Lotlot at Janine.
Malaki ang hawig ni Janine sa nanay niyang si Lotlot na noong una’ytutol sa pagpasok ni Janine sa showbiz. Pero mukhang ngayon ay payag na ang ina.
Kakatapos lang ni Janine noong March ng kursong European Studies sa Ateneo De Manila University.