Maraming magagandang feedbacks ang naririnig at nababasa namin lalo na sa mga social networking sites at mga forums regarding sa kabuuan ng Sinner or Saint kung saan itinatampok sina Dennis Trillo, Polo Ravales, Alessandra de Rossi at kauna-unahang pagbibida ni Bianca King sa Dramarama sa hapon ng GMA7.
Una kasing nakilala si Bianca sa pagganap sa mga kontrabida roles at hindi mo aakalaing mas bagay naman pala siyang maging bida. Convincing ang pag-arte niya rito lalo na nung una siyang lumabas ng Miyerkules (June 15, 2011) kung saan nagtala ito ng 5.4% (People Ratings) laban sa katapat na programang Kapamilya Blockbuster (Movie) na Pido-Dida (ABS-CBN) na nagtamo ng 3.2% (People Ratings) mula sa AGB Nielsen.
Inaasahan pang lalong pakakatutukan ito ng manonood dahil ngayong Linggo ang paglilitis kay Bianca bilang si Noemi Manansala. Ang Sinner or Saint aymapapanood sa Dramarama sa hapon ng GMA7 pagkatapos ng Blusang Itim.