Back into action na naman si LJ Reyes. Pasok na ito sa final cast ng kauna-unahang danserye sa GMA na may final title na The Time of My Life.
Makakasama niya sa serye sina Mark Herras, Kris Bernal, Rocco Nacino, Sarah Lahbati, at iba pang mga taga-Sayaw Pilipinas ng programang Party Pilipinas. Ito ay idederehe nina Mark Reyes at Andoy Ranay.