Huling serye ni Janice de Belen ang Magic Palayok sa GMA7 bago siya lumipat ng ABS-CBN at tuluyang maging Kapamilya sa teleseryeng Budoy.
Ang Budoy na pagbibidahan ni Gerald Anderson na sinasabing Advocaserye ng ABS-CBN at first sa Philippine TV. Sabi ng manager nitong si Popoy Caritativo, maganda ang role ng aktres at hindi nila mahindian. Gaganap siyang nanay ni Gerald sa soap na ididirehe ni Ruel Bayani.
Ayon sa manager ni Janice na si Popoy Caritativo, nakapagpaalam naman si Janice ng maayos sa management ng GMA7 at pinayagan naman siya.